News Releases

English | Tagalog

iWant, pina-level up ang saya kasama ang Cinema One sa PH Tech Show 2026

March 28, 2026 AT 10:24 AM

Mas pina-level up ang kilig, sindak, gigil, at saya sa iWant matapos nitong opisyal na ilunsad ang pakikipagsanib-puwersa sa Cinema One sa ginanap na Philippine Tech Show 2026 kasama sina “What Lies Beneath” stars Sue Ramirez, Jake Cuenca, at JM de Guzman.

Ibinida sa event ang lumalaking koleksyon ng pelikula at series ng iWant sa pagpasok ng Cinema One, na magdadala ng mas pinalawak na movie library, mula sa blockbuster at iconic titles hanggang sa local at international films, habang pinapalawak din ang abot nito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Creative Programs, Inc. (CPI) upang maging available sa cable operators sa buong bansa.

Naghatid ng nag-uumapaw na good vibes sina Sue, Jake, at JM matapos makipagkamustahan sa daan-daang dumalo sa event, kabilang ang cable operators, telecommunications companies, content providers, technology partners, at iba pang bisita sa “Home of Filipino Feels” booth ng maturing streaming platform.

Sunod-sunod din ang pasabog ng iWant sa ilang patikim nito sa mga dapat abangan sa streaming platform sa pangunguna ng vertical drama na “The Chambermaid’s Daughter,” na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad at BGYO Gelo.

Bibida rin si Alexa sa panibagong original series ngayong taon na “Miss Behave,” kasama sina Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, at Rans Rifol. Tampok din sa coming-of-age dark comedy sina Jeremiah Lisbo, Zach Castañeda, Zach Guerrero, JC Alcantara, Raven Rigor, at LA Santos, sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.

Hindi rin pahuhuli ang international series na “Nurse the Dead,” tampok ang kwento ng Pinoy nurses abroad na kinunan sa Hollywood at likha ni Mark Labella. Pinagbibidahan ito nina Jelynn Sophia Malone at Anthony Jennings, kasama sina Gigette Reyes, Princess Punzalan, Ruby Rodriguez, at Tootsie Guevarra.

Patuloy ring napapanood sa iWant ang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN na “The Secrets of Hotel 88” na mapapanood pitong araw bago ang TV broadcast nito.

Ayon kay iWant head Jolly Estaris, patuloy na pinalalawak ng streaming platform ang mga palabas nito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang content creators at producers, na bida ang mga kwentong kukurot sa puso ng mga Pilipino.

Ang Philippine Tech Show ay isang taunang event na inorganisa ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA), na dinaluhan ng mga kumpanya mula sa cable, telecommunications, media, at technology sectors upang ipakita ang pinakabagong inobasyon sa industriya at makipagtulungan sa iba pang kumpanya.

I-download ang iWant, ang streaming platform na may pinakamalaking koleksyon ng Filipino feels, sa Apple App Store o Google Play. Maaari rin itong mapanood sa iwant.ph.

Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

iWant, pina-level up ang saya kasama ang Cinema One sa PH Tech Show 2026