News Releases

English | Tagalog

"The Secrets of Hotel 88" nangunguna sa iWant, netizens hook na hook sa lihim at misteryo ng serye

March 07, 2026 AT 09:19 AM

Alamin ang hiwaga ng “Hotel 88” at panoorin ang episodes 1-5 ng libre sa iWant

Tumungtong na sa top spot ang most-watched list ng iWant ang pinakabagong mystery-romance collaboration series ng GMA Network at ABS-CBN na “The Secrets of Hotel 88″ matapos ma-hook ang manonood sa nakakagulat nitong twists, matinding drama, at nakakabiting misteryo.

Trending at pinag-uusapan sa social media ang serye dahil kakaibang timpla ng misteryo, romansa, at family drama ang hatid nito. Bukod dito, nagsimula na rin bumuo ang fans ng kani-kanilang teorya sa itatakbo ng kwento.

Tampok sa “The Secrets of Hotel 88” ang housemates mula sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Season 1” na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, AZ Martinez, Ralph De Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Esnyr Ranollo, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Dustin Yu, Bianca De Vera, at Will Ashley, kasama ang mga beteranong aktor na sina Gardo Versoza, Dominic Ochoa, at Ina Raymundo.

Nagsimula ang kwento sa isang lihim sa nakaraan kung saan napatay nina Federico (Gardo) at Michael (Dominic) si Sandro (Christian Vasquez) na umano’y pagtatanggol nila sa sarili—isang pangyayaring kanilang itinago sa loob ng maraming taon.
Lumipas ang panahon, at nanatiling magkaugnay ang kanilang mga pamilya. Lumaki ang magkakapatid na Fernandez na sina Kiko (Will), Gio (Brent), at Martin (Ralph) kasama  ang magkakapatid na Almazan na sina Luna (Mika), Jade (Bianca), Leon (River), at Justin (Josh).Ngunit sasabog ang lahat nang matuklasan ni Michael na may lihim na relasyon ang kanyang asawang si Frida (Ina) kay Federico. At sa oras na tila nagkakaayos na sina Federico at Michael—bigla silang pinaslang ng isang hindi kilalang salarin.

Libre nang mapapanood ang episodes 1-5 sa iWant at ang susunod na episodes nito matapos ipalabas sa free TV. Mag-subscribe na rin sa iWant para mapanood ang bagong episodes ng 7 araw bago sa free TV. 

Feel all the feels! I-download ang iWant app sa halagang P35 kada buwan sa Google Play, Apple Store, o sa iwanttfc.com.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"The Secrets of Hotel 88" nangunguna sa iWant, netizens hook na hook sa lihim at misteryo ng serye