News Releases

English | Tagalog

Sino ang tatanghaling bagong “Your Face Sounds Familiar” Grand Winner?

March 28, 2026 AT 04:30 PM

Mangyayari na ang pinakahihintay na  “Your Face Sounds Familiar: The Grand Showdown ngayong Abril 5 (Linggo) kung saan isang natatanging celebrity performer ang tatanghaling pinakabagong grand winner.

 

Huling tsansa na nga ito ng pitong finalists na sina Akira Morishita, Alexa Ilacad, Dia Mate, Jarlo Base, Jason Dy, JM Dela Cerna and Marielle Montellano, at Rufa Mae Quinto ipakita ang kanilang mga itinatago pang alas sa kanilang final transformation.

 

Mula ng magsimula ang season, labis na pinag-uusapan online ang programa kung saan pinuri ng netizens ang kahusayan ng celebrity performers sa kanilang transformations at ang pagpupursige nilang bigyang-buhay ang iconic music legends.

 

Sa kanilang huling showdown, asahan ang isang kapanapanabik na pagtatapos na puno ng world-class performances at hindi malilimutang impersonations.

 

Huwag palampasin ang“Your Face Sounds Familiar: The Grand Showdown simula Abril 5 (Sunday) sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z,  at iWant.

 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.