News Releases

English | Tagalog

JM Dela Cerna at Marielle Montellano, nanalo bilang grand winners ng "Your Face Sounds Familiar" Season 4

April 12, 2026 AT 08:36 PM

Itinanghal na grand winners ng “Your Face Sounds Familiar” Season 4 sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano sa ginanap ng finale grand showdown noong Linggo (Abril 12).

 

Nasungkit ng tambalang JMielle ang panalo matapos makuha ang highest combined score na 94% mula sa kanilang previous performances at ang highest jury score sa finals performance.

 

Pinabilib ng dalawa ang live audience at jury sa pasabog na tranformation nila bilang sina Jennifer Holliday at Jessica Sanchez at sa pagkanta nila ng “And I’m Telling You.”

 

Labis na nagpasalamat sina JM at Marielle sa tiwala na ibinigay sa kanila ng show para mapagtagumpayan nila ang ang iba’t ibang transformations sa buong season. Nagpasalamat din sila sa isa’t isa dahil sa teamwork at effort na ipinakita nila mula simula hanggang dulo ng kompetisyon.

 

Sa buong season, pinatunayan ng JMielle ang kanilang husay sa pagkanta at transformation bilang iconic music legends at nakakuha nga sila ng tatlong weekly wins. Bilang grand winners, mag-uuwi sila ng ₱1 million cash prize.

 

Samantala, hindi naman naging madali ang kompetisyon dahil nagbigay din ng matinding laban sa finals ang iba pang celebrity performers. Nag-transform si Jason Dy bilang Beyoncé, Jarlo Base bilang Freddie Mercury, Alexa Ilacad bilang Shakira, Dia Mate bilang Rihanna, Akira Morishita bilang Justin Timberlake, at Rufa Mae Quinto bilang Katy Perry. Nakatanggap din ang bawat isa sa kanila ng  special awards bilang pagkilala sa kanilang performances simula week 1.

 

Isang pasabog din na guest performance ang natunghayan ng fans mula kay Billy Crawford. Nagsilbi naman bilang jury sa grand showdown sina Erik Santos, Karla Estrada, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.

 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE