Handa ng magpakilig ang tinaguriang National Heartthrob ng Tsina na si Yang Yang sa kanyang hit serye “Fireworks Of My Heart” na mapapanood na ng viewers simula ngayong Lunes (Abril 13) sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, and A2Z.
Makakasama ni Yang Yang sa hit serye ang isa rin sa kilalang leading ladies na si Wang Churan.
Iikot ang kwento ng “Fireworks Of My Heart” sa nakakakilig at emosyonal na muling pagtatagpo ng dating magkasintahan na sina Mang Qin (Wang Churan) na ngayon ay isang huwarang emergency doctor, at Song Yan (Yang Yang) na naging isang matapang na bumbero.
Makalipas ang sampung taon, muling pagtatagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas, at sa gitna ng mga panganib at pagsubok, manunumbalik ang damdaming matagal na nilang ibinaon.
Huwag palampasin ang “Fireworks Of My Heart” simula ngayong Lunes (Abril 13), 10:15PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, and A2Z.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

