News Releases

English | Tagalog

Donny at Belle, pangungunahan ang "Summer For Reel" sa Boracay

April 13, 2026 AT 05:19 PM

Espesyal na musical treat mula kina Angela Ken at Jarren, itatampok din

Ultimate summer love experience ang handog nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang poster launch ng upcoming film na “Tayo Sa Wakas” na gaganapin sa grand outdoor party na “Summer For Reel” sa Abril 18 (Sabado), 5pm sa Red Coconut Beach Front, Station 2, Boracay.

Bukod sa poster reveal, tampok din dito ang special screening ng pelikula nilang “An Inconvenient Love.” Ginampanan nina Donny at Belle sa pelikula sina Manny at Ayef, dalawang taong pumasok sa isang ‘relationship of convenience’ na may expiration date upang iwasan ang komplikasyon ng seryosong commitment. Habang papalapit ang kanilang deadline, mapipilitan silang harapin ang tunay nilang nararamdaman at sumugal para sa pag-ibig.

Handog ng Cinema One at ABS-CBN Events ang “Summer for Reel” na magtatampok sa musical performances mula kina Angela Ken at Jarren Garcia. Makakasama rin dito sina Emilio Daez at Aiyana Perlas bilang host.

Asahan din ang iba’t ibang kasiyahan tulad ng volleyball match, interactive booths, at on-stage games. Libre ang admission at bukas sa publiko ang event sa first-come, first-served basis.

Makisaya sa “Summer For Reel” ngayong Abril 28 (Sabado), 5pm sa Red Coconut Beach Front, Station 2, Boracay. Abangan din sina Donny at Belle sa “Tayo Sa Wakas” na mapapanood sa mga sinehan sa Mayo 27 (Miyerkules).

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa iWant, SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 8 PHOTOS FROM THIS ARTICLE