Abangan ang BINI live sa Coachella YouTube channel
Handa nang gumawa ng kasaysayan ang girl group ng ABS-CBN na BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival para sa kanilang inaabangang performance ngayong Sabado (Abril 11), 7:15 AM PHT (Philippine time) na isang malaking milestone para sa musikang Pilipino sa world stage.
Maaaring magbigay ng suporta ang mga Pilipino sa BINI sa panonood nang libre sa Coachella YouTube channel. Hanapin lang ang Mojave Stage livestream.
Ibibida nila Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang OPM sa isa sa pinakamalaking music festivals sa buong mundo na magaganap nang live sa Indio, California. Nakatakda naman ang ikalawa nilang performance sa umaga ng April 18 (PHT).
Susundan ng Coachella debut ng grupo ang paglunsad ng kanilang “Signals” EP, na magaganap na sa Huwebes (Abril 9), 9 PM PHT. Nakapaloob dito ang anim na kanta, kasama ang mga inaabangang “Blush,” “Tic Tac Toe,” “Sugar Rush,” at “Step Back,” at ang mga nauna nang inilabas na “Unang Kilig” at “Honey Honey” na umani na ng milyon-milyong streams sa Spotify.
Pagkatapos naman ng kanilang Coachella performance, magiging bahagi ang BINI ng “Global Spin Live” ng GRAMMY Museum sa Abril 21.
Nitong Marso 31, dumalo rin ang nation’s girl group sa isang NBA game para sa pagdiriwang ng Filipino Heritage Night na pinangunahan ng Los Angeles Clippers.
Samantala, iniimbitahan ng ABS-CBN record label na Star Music ang Blooms na magbahagi ng kanilang reaction sa Coachella performance ng BINI para sa pagkakataong mai-repost ang mga ito ng Star Music sa social media. Kailangan lang mag-post ng reaction video at gamitin ang #Coachella_BloomsReact at i-tag ang @StarMusicPH at @bini_ph.
Abangan ang Coachella debut ng BINI ngayong Biyernes (Abril 10), 4:15 PM PDT o Sabado (Abril 11), 7:15 AM PHT. Para sa karagdagang updates, sundan ang BINI sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube, o bisitahin ang bini.abs-cbn.com. Makisaya rin sa mas pinalawak na fandom ng BINI, pumunta sa WeVerse site o i-download ang app nito.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin anghttps://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

