News Releases

English | Tagalog

"Everybody Sing" ni Vice Ganda, mapapanood sa ABS-CBN sa ALLTV2

April 28, 2026 AT 10:13 AM

Bagong season ng game show, mapapanood na simula ngayong Sabado at Linggo…

Nagbabalik ang kauna-unahang community singing game show sa bansa na “Everybody Sing” para sa inaabangang ika-apat na season nito kasama ang Asia’s Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ngayong Mayo 2 (Sabado) at Mayo 3 (Linggo) at mapapanood sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

 

Panibagong episodes na puno ng kulitan at kantahan ang aasahan ng mga manonood kasama ang mga maswe-swerteng Songbayanan. Mas magiging kaabang-abang pa ang bawat linggo dahil may makakasamang special guest co-host si Vice Ganda, bukod pa sa iba’t ibang celebrity guests at singers na hindi lang magdadala ng saya kundi tulong sa Songbayanan para sa tsansang makapag-uwi ng mas malalaking papremyo. Nagbabalik din ang resident band ng programa na Six Part Invention

 

Bukod sa bagong episodes, mayroon din bagong pakulo ang programa  na mas magpapalaki sa mapapanalunan ng  Songbayanan. Ito ang “Singko Blanko,” kung saan kailangang mahulaan ng celebrity guest at apat na represingtatives ang limang nawawalang lyrics ng kanta para sa tsansang manalo ng hanggang P200,000.

 

Nagbabalik din ang paboritong jackpot round ng viewers na  “Ultimate Everybody Guessing,” kung saan kailangang mahulaan ng Songbayanan ang 10 kanta para manalo ng P1 million. Ang bawat tamang kantang mahuhulaan ng 50 Songbayanan ay nagkakatumbas ng P20,000. Ang kabuuang pot money na kanilang malilikom ay kanilang paghahatiaan.

 

Huwag palampasin ang pagbabalik ng “Everybody Sing” ngayong Sabado (Mayo 2) at Linggo (Mayo 3), 8:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE