Tampok ang pasabog kilig at chemistry nina Alexa at Gelo bilang bagong love team
Ibang feels at level ng kilig ang ihahatid ng pinakabagong tambalan nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera sa kauna-unahang vertical drama ng ABS-CBN Studios na “The Chambermaid’s Daughter” na mapapanood sa iWant simula Abril 30 (Huwebes).
Bibida ang hindi inaasahang pag-iibigan ng masipag na hotel room attendant na si Hannah Montano, na ginagampanan ni Alexa, at ng kanyang Koreanong boss na si Daniel Jeon, na ginagampanan ni Gelo, na tuturuan niyang magsalita ng Tagalog bilang kanyang private translator.
Pamatay na kilig at mga rebelasyon ang aabangan sa pagpasok ni Hannah (Alexa) sa mundo ni Daniel (Gelo), na babago sa kanyang buhay at susubok sa kanyang katatagan.
Ang “The Chambermaid’s Daughter” ang unang proyekto ng ABS-CBN Studios sa vertical drama format, na binubuo ng maiikling episodes na madaling sundan at panoorin, at bahagi ng lumalawak na lineup ng vertical dramas ng iWant.
Panoorin ang “The Chambermaid’s Daughter” at alamin kung paano maaaring baguhin ng isang hindi inaasahang pag-iibigan ang lahat ngayong Abril 30 (Huwebes) sa iWant, kung saan mapapanood nang libre ang unang limang episodes sa iWant app, ABS-CBN Facebook, at iWant YouTube channel.
Ang episodes 6 hanggang 30 ay eksklusibong mapapanood sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas at USD 12.99 kada buwan sa Estados Unidos.
I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.






