“Signals” World Tour, tutungo sa North America, Netherlands, Italy, France, atbp.
Paiigtingin muli ng nation’s girl group na BINI ang Pinoy pride sa ka-abang-abang na pagbabalik nila sa Coachella stage sa Sabado (Abril 18), 7:15 AM Philippine Time (PHT) o Biyernes (April 17), 4:15 PM Pacific Daylight Time (PDT) para sa weekend 2 ng kanilang makasaysayang global chapter.
Mapapanood ang ikalawang 45-minute set ng BINI sa Coachella YouTube channel sa pamamagitan ng Mojave stage livestream.
Pinabilib ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang mga manonood gamit ang kanilang hit songs, bigating moves, at Pinoy-inspired fashion para ibida ang OPM sa kanilang performance noong Abril 11 (PHT) bilang unang Filipino group na nag-perform sa Coachella.
Samantala, aarangkada ang grupo para sa kanilang “Signals” World Tour na magsisimula sa SM Mall of Asia Arena sa Manila sa Hunyo 20 at susundan ng leg nito sa SM Seaside Cebu Arena sa Hulyo 11.
Sa labas ng Pilipinas, aabot ang “Signals” concert sa Estados Unidos, Canada, the Netherlands, Italy, France, United Kingdom, Singapore, at Taiwan.
Mabibili ang SM MOA Arena show tickets sa SM Tickets outlets at smtickets.com sa halagang P11,499 (SVIP 1), P9,999 (SVIP 2), P7,999 (VIP), P4,499 (Box Premium), at P1,399 (Box Regular). Available na ang Bloom Membership presale tickets ngayong araw (Abril 15) at magbubukas naman ang general sale bukas, Abril 16.
Inilabas naman ng BINI ang kanilang latest EP na “Signals” noong Abril 9 at unang pinerform nang live ang key track nito na “Blush” sa Coachella stage. Umani na ang EP ng halos 10 million streams sa Spotify habang ang “Blush” music video ay may higit one million views na sa kasalukuyan.
Huwag palampasin ang ikalawang pasabog ng BINI sa Coachella ngayong Abril 18. 7:15 AM (PHT) o Abril 17, 4:15 PM (PDT). Para sa karagdagang updates, sundan ang BINI sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube, o bisitahin ang bini.abs-cbn.com. Makisaya rin sa mas pinalawak na fandom ng BINI, pumunta sa WeVerse site o i-download ang app nito.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.




