News Releases

English | Tagalog

Janella, Elisse, at Vlad, game na game kasama ang kids sa "Lactum Bibo-lilits Galing Challenges 2.0"

April 22, 2026 AT 04:12 PM

Mapapanood na simula April 24 sa ABS-CBN Entertainment YouTube

 

Game na game sina Janella Salvador, Elisse Joson, at Vlad Magallanes, pero ngayon, hindi sila ang bida kundi ang kanilang mga chikiting.

 

Sa bagong family reality series ng ABS-CBN na “Lactum Bibo-lilits Galing Challenges 2.0,” mapapanood kung paano hinaharap nina Jude (anak ni Janella), Felize (anak ni Elisse), at Akasha (anak ni Vlad) ang iba’t ibang real-life challenges na swak sa tema na “Bibo Today, Ready Tomorrow.”

Hindi lang basta pa-cute ang mga kids—susubukin sila sa mga tasks tulad ng budgeting, building, at pakikipagkapwa. Dito lalabas kung gaano sila ka-listo, wais, at bibo sa totoong buhay.

Bukod sa challenges, may pasilip din sa pagiging hands-on parents nina Janella, Elisse, at Vlad sa mga espesyal na episodes na puno ng real talk at nakakakilig na family moments.

Sa huli, pinapakita ng show na ang pagiging “bibo” ay hindi lang sa talento—kundi sa pagiging handa sa buhay.

Abangan ang “Lactum Bibo-lilits Galing Challenges 2.0,” simula April 24, 2026, sa ABS-CBN Entertainment YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE