Sunod-sunod na kilig at kasiyahan ang dapat abangan ng manonood sa “ASAP” ngayong Linggo (Abril 26) sa pangunguna nina Belle Mariano, Alexa Ilacad, BGYO, at James Reid.
Humanda ng kiligin sa hatid ni Belle na pangmalakasang performance ng kanyang single na “Like U.” Isang bonggang solo production naman ni Alexa ang matutunghayan ng manonood kasama ang Gen-G.
Perfect ngayong weekend ang inaabangang collab performance ng BGYO kasama si James.
Patuloy ang kilig at saya sa pasabog na opening number nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Darren, Maymay Entrata, Alexa, AC Bonifacio, Kai Montinola, Janella Salvador, Jane De Leon, Jason Dy, Khimo Gumatay, Reiven Umali, JM Yosures, JM Dela Cerna, Sofronio Vasquez, Jona, Elha Nympha, Marielle Montellano, Gen-G, at MNVRS Ignite.
Damhin ang pagmamahal naman ng pamilya sa high-energy dance performances ng paborito niyong celebrity families na sina Jhong Hilario at Sarina Hilario, Patrick Garcia at Michelle Garcia, Darren Espanto at Lynelle Espanto, at Melai Cantiveros kasama ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela Cantiveros.
Punong-puno ng kasiyahan ang jamming na hatid nina Yeng, KD Estrada, Jarren Garcia, Angela Ken, at Kai, kasama ang mga banda na Six-Part Invention at Fitterkarma.
Pangmalakasang performance naman ang saksihan mula kina Angeline, Yeng, Jona, Kai, Jarren, JM Ibarra, Fyang Smith, Gelo Rivera, Alexa, pati na ang Gen-G.
Samantala, tuloy-tuloy ang selebrasyon ang hatid ng kolaborasyon ng Sweet Notes at ng mga duo na sina JM, Marielle, Christian Tibayan, at Arvery Lagoring. Tampok din ang bonggang duet nina Gary at Darren kasama ang MNVRS Ignite.
Makisabay din sa kantahan at sayawan kasama sina AC, Alamat, Gela Atayde, Wrive, Belle, DNA, Jane De Leon, Jane Oineza, at Legit Status.
Matatapos ang selebrasyon sa pangmalakasang tugtugan nina Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Yeng, Jona, Jed Madela, Sofronio, Nyoy Volante, Khimo, Darren, at Louie Ocampo.
Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Darren, at Alexa
Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom


