News Releases

English | Tagalog

Bamboo, Regine, at “Your Face Sounds Familiar” Season 4 grand winners na sina JM at Marielle, may dalang libreng concert sa “ASAP” ngayong Linggo

April 16, 2026 AT 02:51 PM

Kaabang-abang ang dalang libreng concert nina Bamboo, Regine Velasquez-Alcasid, at ang “Your Face Sounds Familiar” Season 4 grand winners na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano ngayong Linggo (Abril 19) sa “ASAP.”

Isang matinding opening number ang mapapanood ng fans mula kina Bamboo, Darren, Jason Dy, at Jarlo Base kasama ang G-Force at MNVRS Ignite. 

Ipagdiriwang ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang kaarawan sa isang pangmalakasang birthday concert kasama sina Ogie Alcasid, Yeng Constantino, Jona, at Klarisse De Guzman.

Isa pang engrandeng selebrasyon ang dala ng “Your Face Sounds Familiar” Season 4 grand winners na sina JM at Marielle, kasama sina Zsa Zsa Padilla, Alexa Ilacad, Kai Montinola, at Carmelle Collado.

Mag-iinit naman ang entablado sa handog na performance ng  fierce ladies na sina Maymay Entrata, AC Bonifacio, at Jane De Leon kasama ang G-Force. 

Mapapakanta rin ang fans sa pasabog na performance ng new gen divas na sina Alexa, Kai, Esang de Torres, at Elha Nympha.

Walang bibitaw at tunghayan ang de-kalibreng OPM concert ni Gary Valenciano kasama ang Mapua Cardinal Singers. Kasunod nito ang bonggang kantahan mula kina Erik Santos at Angeline Quinto kasama ang trending duo na sina El Manu at Jessy Kang.

Damhin ang kilig at pag-ibig sa inaabangang duet nina Martin Nievera at Moira.

Handa namang haranin nina KD Estrada, Jarren Garcia, at Christof ang fans sa kanilang pasabog na tugtugan at kantahan. 

Tuloy-tuloy ang kasiyahan at selebrasyon sa all-star band finale performance nina Martin, Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Yeng, Robi Domingo, Darren, Jason, Esang, Elha, Nyoy Volante, Khimo Gumatay, at Klarisse.

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi, Darren, at Alexa 

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Bamboo, Regine, at “Your Face Sounds Familiar” Season 4 grand winners na sina JM at Marielle, may dalang libreng concert sa “ASAP” ngayong Linggo