Nagbabalik ang kinagigiliwang game show ng ABS-CBN na “Kapamilya Deal or No Deal” sa ika-anim nitong season kasama ang Pambansang Host na si Luis Manzano simula ngayong Sabado (Abril 25) at Linggo (Abril 26) sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, tampok ang brand-new episodes at bagong set ng Lucky Stars.
Bubuksan ang bagong season sa isang espesyal na two-part birthday celebration ni Luis tampok ang kanyang asawang si Jessy Mendiola at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa darating na Sabado, habang susubukan naman ni Jodi Sta. Maria ang kanyang swerte mapili ang tamang briefcase sa episode sa Linggo.
Sa susunod na episodes, makikilala rin ng viewers ang official first batch ng Lucky Stars na makakasama ni Luis na sina AC Bonifacio, The Aguinaldos, Arizona Brandy, Asia Yoona, Aubrey Miles, Bassilyo, Christine Samson, Cris Villanueva, Diego Gutierrez, Eric Fructoso, Inah Evans, Jameson Blake, Jeremy G., Jopay Paguia, Kolette Madelo, Long Mejia, Negi, Rave Victoria, Red Ollero, at Ynez Veneracion.
Mas magiging exciting ang bawat episode dahil pipiliin ang celebrity player mula sa 20 Lucky Stars sa pamamagitan ng roleta. Kapag napili ay kailangang magdesisyon ng celebrity player kung pananatilihin niya ang kanyang briefcase o ipagpapalit ito sa isa sa natitirang 19—habang hinaharap ang ultimate question na: Deal or No Deal?
Kasabay ng pagbabalik ng game show ay ang pagbabalik din ng original banker na muling susubok sa Lucky Stars sa pamamagitan ng kanyang nakaka-akit na offers.
Huwag palampasin ang premiere ng “Kapamilya Deal or No Deal” simula ngayong Sabado (Abril 25) at Linggo (Abril 26), 7:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.





