News Releases

English | Tagalog

Sabunutan nina Kim at Sofia, patok sa netizens!

April 09, 2026 AT 02:56 PM

Napapanood ang “The Alibi” sa bago nitong oras ng 8:45 PM

 

Kinasabikan online ang mainit na bangayan at sabunutan nina Kim Chiu at Sofia Andres sa primetime teleserye ng ABS-CBN na “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” sa episode noong Martes (Abril 7). 

 

Malupit ang naging komprontasyon ng dalawa sa harap ng publiko matapos ipagsigawan ni Claudia (Sofia) ang pagiging kabit umano ni Stella (Kim) ng kanyang asawa na si Vincent (Paulo Avelino). Bilang ganti, inilantad naman ni Stella ang panloloko ni Claudia kung saan ibinulgar niya ang lihim na relasyon nito kay Walter (Sam Milby), na best friend ng kanyang mister.

 

Pinagpiyestahan ng fans ang sagutan at eskandalo ng parehong palaban na mga babae, na nauwi sa pagbuhos ni Claudia ng kape kay Stella at tuluyan nang nagsabunutan ang dalawa.

 

“Malandi ka!” galit na sigaw ni Claudia.

 

Bilang resbak, bumanat si Stella at sinabing, “Pareho tayong kabit dito. Mas malala ka pa nga dahil kinalantari mo ’yung best friend ng asawa mo.”

 

Lalo pang titindi ang tensyon sa mga susunod na episode matapos ang rebelasyon na naging mag-jowa sina Stella at Walter bago maganap ang misteryosong pagpatay kay Walter. 

 

Napapanood ang “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2. 

 

Tutukan ang mga misteryo sa mas mahabang bersyon ng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan,” gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Napapanood din ang mga bagong episode pitong araw na mas maaga sa iWant. Available rin ang serye sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

 

Para makakuha ng updates sa “The Alibi,” bisitahin ang thealibi.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE