Nag-uumapaw ang confidence sa pagbabalik-musika
Matapang at unapologetic ang pagbabalik-musika ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee, aka MMD, sa kanyang bagong single na “Makatanong,” isang R&B-pop track tungkol sa pagsasawalang-bahala sa panghuhusga ng iba.
Isinulat mismo ni MMD ang kanta na sumasalamin sa pagiging empowered bilang babae at pagiging in control sa sariling kwento.
Pinasok ng Sparkle artist ang pagiging recording artist noong nakaraang taon at inilunsad ang debut single na “Reyna” sa ilalim ng partnership ng ABS-CBN Music at GMA.
Umarangkada ito sa top 5 ng Spotify Philippines Viral Songs Chart at umani ng mahigit dalawang milyong streams. Naging tampok din ito sa iba’t ibang Spotify editorial playlist tulad ng OPM Rising at Viral Hits Philippines. Na-feature din ang “Reyna” sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” nang pumasok ang Sparkle artist bilang house guest.
Napapakinggan ang “Makatanong” ni MMD sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.




