News Releases

English | Tagalog

Nameless Kids, inilunsad ang comeback single na "Sinungaling"

April 17, 2026 AT 06:09 PM

Balik-entablado sa single launch na gaganapin sa Abril 25

Nagbabalik-musika ang Nameless Kids handog ang bagong single na “Sinungaling,” isang relatable love anthem tungkol sa namumuong pag-ibig.

Hatid nito ang simula ng panibagong chapter sa journey ng indie-pop alternative band na binubuo nina Nhiko Sabiniano, Kim Allen, at nagbabalik miyembro na si Imay Cortes.

Mula sa komposisyon at produksyon ni Nhiko, katulong si Kim, ang awitin na tungkol sa tensyon at tinatagong damdamin ng dalawang taong laging nagkakasalubong.

Magbabalik-entablado ang banda sa magaganap na “Sinungaling” launch sa Abril 25 (Sabado), 7pm sa 123Block, Mandala Park. Makiki-jamming din bilang special guests ang OPM acts na sina Kenaniah, Novocrane, 12th Street, at Suyen. Maaaring mag-pregister para sa tickets sa halagang P700, habang ang available din ang walk-ins sa halagang P800.

Napapakinggan ang “Sinungaling” ng Nameless Kids sa iba’t ibang digital streaming platforms at available din ang lyric video nito sa Nameless Kids YouTube channel. Samahan sila sa single launch na gaganapin sa Abril 25 (Sabado), 7pm sa 123Block, Mandala Park. 

Para sa detalye, sundan ang Nameless Kids sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube.

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE