Makulay at puno ng charm sa anim na bagong awitin
Ganap nang recording artist ang singer-songwriter na si Sofi Fermazi matapos niyang ilunsad ang debut extended play (EP) na “u4me” sa ilalim ng Star Music.
“I honestly can’t explain the happiness in my heart right now. This moment feels surreal. From dreaming about it to finally living it, it’s all worth it,” saad ni Sofi sa Facebook post.
Mula sa orihinal na komposisyon ni Sofi ang anim na awitin na “beep,” “dito,” “di na bale,” “u 4 me,” “placeswherewehug,” at “candy.” Nagsilbing producers nito sina ALAS, Hans Jason Canteras, at Lian Kyla.
Tampok bilang key track ng EP ang “beep,” na sumasalamin sa tibok ng pusong nahuhulog sa pag-ibig at sa nakakakilig na excitement na dulot nito.
Bago ang kanyang recording debut, nakilala ang Kapamilya singer sa kanyang viral song covers ng mga awitin nina Adele, Taylor Swift, Olivia Rodrigo, Sharon Cuneta, at Ben&Ben, at umani na siya ng mahigit sa 143,000 followers at 1.3 million likes sa TikTok. Naging bahagi rin si Sofi ng segment na “Expecially For You” sa “It’s Showtime” noong nakaraang taon.
Napapakinggan ang “u4me” EP ni Sofi sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.




