News Releases

English | Tagalog

Ningning sa mundo ng fashion ni Veejay Floresca, bida sa “Gamechangers: A Limited Series” sa iWant

April 17, 2026 AT 01:07 PM

Ningning ng Pinay na si Veejay Floresca sa global fashion scene ang bida sa pinakabagong episode ng “Gamechangers: A Limited Series” sa iWant, tampok ang kanyang kuwento bago at matapos niyang magwagi sa isang international fashion design competition sa New Jersey, United States.

Masusundan sa naturang limited series na produced ng Metro Channel ang makulay na paglalakbay ni Veejay mula Maynila hanggang sa kanyang solo debut sa New York Fashion Week, matapos niyang magwagi sa international fashion design competition na “Project Runway Season 21,” kung saan nagpagalingan ang mga designer mula sa iba’t ibang bansa sa paggawa ng mga kasuotan, at kung saan ipinakita ang disiplina, diskarte, at malikhaing pananaw na nagdala sa kanya sa pandaigdigang entablado.

Tampok din kung paano patuloy na nagbibigay-inspirasyon si Veejay sa pamamagitan ng kanyang itinayong foundation, na tumutulong sa mga nangangarap na designer at creatives, at nagsusulong ng pagiging totoo sa sarili at mas malawak na representasyon sa mundo ng fashion.

Samantala, bida rin sa unang episode ng limited series ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena, na ibinahagi ang kanyang paglalakbay mula sa paglaki sa pamilyang atleta hanggang sa pagiging isa sa mga nangungunang manlalaro sa larangan ng pole vault.

Ang “Gamechangers: A Limited Series” ay produced ng Metro Channel at nilikha nina Christina N. Lopez, Lala Ventura, at Giselle Interior. Ito ay idinirek ni Iggy Bilbao kasama si Stacy Alfonso bilang producer at si River Rosal bilang writer.

Panoorin ang “Gamechangers: A Limited Series” sa iWant at mag-subscribe na para makilala ang mga kuwento ng mga Pilipinong nagtatagumpay at nagbibigay ng karangalan sa iba’t ibang larangan sa buong mundo, sa abot-kayang halaga mula P35 kada buwan.

I-enjoy ang lahat ng feels na gusto mo, dito lang sa iWant, ang streaming platform na may pinakamalaking koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, i-follow ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

 

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE