News Releases

English | Tagalog

Jaime Fabregas, Bodjie Pascua, at Freddie Webb, ramdam muli ang pagiging bagets kasama ang new-gen stars sa “Young Blood”

April 25, 2026 AT 09:35 AM

Balik sa pagiging bagets ang feels na ihahatid ng mga beteranong aktor na sina Jaime Fabregas, Bodjie Pascua, at Freddie Webb sa “Young Blood,” kasama ang bagong henerasyon ng mga aktor sa pinakabagong iWant original film na ipalalabas ngayon Martes (Abril 28) sa iWant.

Makakasama nina Jaime, Bodjie, at Freddie ang ilan sa bagong henerasyon ng mga aktor na sina Gold Aceron, Aljon Mendoza, at Argel Saycon, na gaganap bilang kanilang mas batang bersyon, hatid ang throwback na atake sa kanilang pagbabalik-buhay-binata.

Tampok sa “Young Blood” ang kuwento ng tatlong matagal nang magkaibigan na sina Val (Jaime), Juan (Bodjie), at Fredo (Freddie). Sa kanilang pagbabalik sa edad na 20, muling haharapin nina Val (Gold), Juan (Aljon), at Fredo (Argel) ang mga pagsubok na naranasan nila noon at susubukang itama ang kanilang mga pagkakamali.

Sa direksyon ni Rember Gelera at sa sanib-puwersa ng iWant at Mavx Productions, tampok din sa pelikula ang kalibre sa aktingan nina Jun Sabayton, Aldrin Angeles, Monina Lawrence, Emma Viri, Cherrylyn David, Omar Flores, at Leo Bruno.

Eksklusibong mapapanood ang “Young Blood” sa iWant, tampok ang kuwento ng mga piniling landas at panibagong bukas, simula Martes (Abril 28).

I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

 

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Jaime Fabregas, Bodjie Pascua, at Freddie Webb, ramdam muli ang pagiging bagets kasama ang new-gen stars sa “Young Blood”