News Releases

English | Tagalog

PBB Celebrity Collab 2.0 Kapamilya Big 4 at stars ng “The Silent Noise,” makiki-saya sa “ASAP” ngayong Linggo

April 11, 2026 AT 08:27 AM

Punong-puno ng kasiyahan ang mararamdaman ng fans sa “ASAP” ngayong Linggo (Abril 12) sa hatid na bonggang performances ng “PBB Celebrity Collab 2.0” Kapamilya Big 4 at  cast ng “The Silent Noise.” 

Nag-uumapaw na energy ang masasaksihan ng viewers sa performance ng “PBB Celebrity Collab 2.0” Kapamilya Big 4 na sina Miguel Vergara, Joaquin Arce, Krystal Mejes, at big winner na si Lella Ford.

Hindi dapat palampasin ng manonood ang hinandang pangmalakasang performance ng mga bida ng “The Silent Noise” na sina  Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Zaijian Jaranilla, at Mutya Orquia.

Pasabog na opening number ang matutunghayan mula kina Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Darren, Maymay Entrata, Alexa Ilacad, Klarisse De Guzman, Kai Montinola, Elha Nympha, Esang De Torres, Jeremy G., Marko Rudio, Jason Dy, Jarlo Base, Jane De Leon, at Carmelle Collado kasama ang G-Force at MNVRS Ignite.

Mapapakanta ang manonood sa pasabog na champion showdown duets nina Erik at Darren, Angeline at Jona, Klarisse at Carmelle, JM Dela Cerna at Marielle Montellano, at Christian Tibayan at Arvery Lagoring. 

Mag-iinit naman ang entablado sa handog na performance nina AC Bonifacio at Jane kasama ang G-Force. Samantala, tuloy-tuloy ang selebrasyon sa explosibong kantahan ng New Gen divas na sina Alexa, Kai, Esang, at Elha.

Walang bibitaw dahil unang mapapakinggan sa “ASAP” ang pinakabagong kanta ni Carmelle na “Stay.” Isa pang kahanga-hangang sorpresa ang hatid ng Spongecola sa kanilang bagong single na “Tanging Hiling” kasama sina Jarren Garcia, KD Estrada, at Christof.

Maki-sayaw naman sa walang patid na dance party na hatid nina AC, Gela Atayde, Michelle Garcia, Ice Almeria, at Jeremy, kasama sina Teacher Georcelle, DJ, G-Force teachers na sina Jaja at BJ, at G-Force students.

Humandang mamangha sa total performer showcase nina Darren at Maymay kasama ang Legit Status.

Pambihirang all-star finale performance ang mapapanood ng fans mula kina Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Yeng, Alexa, Kai, Carmelle, Elha, Esang, Jona, Klarisse, JM, Marielle, Christian, Arvery, Jed Madela, at Jason.

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Darren, at Alexa.

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE