KD Estrada, Christof, James Philipe, and Kai Montinola
Nilunsad ng Star Magic ang unang Star Magic Music Room Session noong Martes, Abril 14, 2026 sa Noctus Music Bar Quezon City. Tampok sa nasabing launch ang mga Star Magic artists na sina KD Estrada, Christof, at Kai Montinola sa ilalim ng musical direction ni James Philippe.
Nagbigay-daan ang Star Magic Music Room upang masaksihan ng mga fans at music enthusiasts ang lawak ng kanilang talento, kung saan iba’t ibang genre ang kanilang pinerform na nagpakita ng kanilang husay at patuloy na pag-unlad bilang performers. Dumalo ang mga ABS-CBN bosses, VIPs, at Star Magic artists na sina Yen Santos, Karina Bautista, JP Cabrera, Jameson Blake, Gladys Reyes kasama ang kanyang asawa na si Christopher Roxas para ipakita ang kanilang suporta kina KD, Christof, James, at Kai.
Matapos ang matagumpay na launch, sina Kolette Madelo, Angela Ken, Sheena Belarmino, at Jarlo Base ang mga susunod na artists sa next Star Magic Music Room Session na magaganap sa Abril 21, 2026 sa Noctus Music Bar Quezon City. Available na ang tickets (PHP900 – door charge at PHP400 – minimum consumables). Para sa mga iba pang impormasyon at reservation, tawagan lang ang 09175250808.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @starmagicphils sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.





