Tampok ang nakakaantig nilang rendisyon ng “Dahil Sa ’Yo”
Mas pinatitibay ng ABS-CBN ang koneksyon sa mga Pilipino sa buong mundo sa pangunguna ng BINI sa bagong digital campaign na “Together Forever,” tampok ang sarili nilang bersyon ng kantang “Dahil Sa ‘Yo.”
Napapanood sa music video ang recording session ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, kung saan bida ang tagos sa puso nilang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilya na patuloy na tumatangkilik sa kwento at musikang Pilipino saan man sa mundo.
Nagsisilbi itong official anthem ng kampanya para ipagdiriwang ang pagiging ‘together forever’ ng mga Pilipino dahil maaari nilang i-enjoy ang mga minamahal nilang programa at makabuluhang karanasan kahit saan mang parte sila ng mundo sa mas pinalawak na online platforms ng ABS-CBN.
Handog ng ABS-CBN ang “Together Forever” campaign para ipagpatuloy ang layunin ng kumpanya na maabot ang serbisyo nito sa mas maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagpapalawak sa online platforms nito.
Sa pamamagitan ng mga programa at artista ng ABS-CBN, nananatiling konektado ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa Kapamilya Online Live at iWant, kung saan hassle-free ang panonood ng mga paboritong Kapamilya programs na available online ng 24/7.
Damhin ang kwento ng mga Pilipino sa “Dahil Sa ‘Yo” music video ng BINI at tumutok sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang most subscribed media at entertainment channel sa Southeast Asia na mayroong 54.8 milyong subscribers.
I-download ang iWant, ang streaming platform na may pinakamalaking koleksyon ng Filipino feels, sa Apple App Store o Google Play. Maaari rin itong mapanood sa iwant.ph.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



