News Releases

English | Tagalog

Donny at Belle, lilibutin ang Pinas sa "The Road to Wakas" mall tour; TayoSaWakas.com, binuksan para sa advance ticket sales

May 18, 2026 AT 05:27 PM

Maaari na mabili ang advance tickets para sa “Tayo Sa Wakas” na pinagbibidahan nina nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pamamagitan official website na tayosawakas.com, kasabay ng mainit na pagtanggap ng fans sa kanilang “The Road to Wakas” mall tour na iikot sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kamakailan ay dinagsa ng fans sina Donny at Belle sa kanilang pagbisita sa Zamboanga City, Antipolo, at Bulacan bilang paghahanda sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang pelikula.

Bukod sa pagbili ng tickets, makikita rin sa website ang updates tungkol sa participating cinemas, film content, milestones, at iba pang activities tungkol sa “Tayo Sa Wakas.”

Magpapatuloy ang nationwide mall tour sa KCC Mall Cotabato sa Mayo 22, Ayala Malls Marquee Pampanga sa Mayo 23, SM City Bacoor at Dasmariñas sa Mayo 24, Robinsons Galleria Cebu sa Mayo 30, SM City Iloilo sa Hunyo 6, at SM City Bacolod sa Hunyo 7. Bibisita rin sila sa ilang block screenings sa Cebu, Iloilo, Davao, at Bacolod.

Mapapanood ang “Tayo Sa Wakas,” mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, sa mga sinehan nationwide simula May 27 at sa iba’t ibang bansa simula Hunyo. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang tayosawakas.com at sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

  

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Donny at Belle, lilibutin ang Pinas sa "The Road to Wakas" mall tour; TayoSaWakas.com, binuksan para sa advance ticket sales