News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel Foundation, pinarangalan ng DepEd para sa mahigit 25 taong ambag sa edukasyon

May 25, 2026 AT 10:38 AM

Bilang pagkilala sa pagsuporta sa mga layunin ng DepEd

Binigyang-parangal ng Department of Education (DepEd) ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) para sa mga inisyatibo nitong katuwang ang ahensya sa higit 25 taon sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa sa nagdaang Partners’ Appreciation Program.

Sa tema ng programa na “Partnerships that endure. Reforms that last,” kinilala ng DepEd ang mga partner organization nito, kabilang ang KCFI, na kumatuwang sa kanilang layunin na mapabuti ang education system mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nag-uwi ang KCFI ng Certificate of Recognition bilang pagkilala sa kanilang partnership sa mahigit 25 taon, pati ang Plaque of Appreciation para naman sa kanilang programa na naka-ayon sa advanced quality education ng mga paaralan sa iba’t ibang dako ng bansa.

“Maraming salamat po, DepEd, sa pagpapahalaga! Tuloy-tuloy po ang paglilingkod ng KCFI para makabuluhan at sa may kalidad na pag-aaral at edukasyon ng kabataang Filipino,” ika ng KCFI Vice-President na si Edric Calma.

Lubos din ang pasasalamat ni Education Secretary Sonny Angara sa mga partner ng ahensya. Aniya, “Our partnership is a continuous crossing. It meets the learner in doubt, the teacher in transition, and the community in need. And with each step, it changes direction. Indeed, education is a shared mission. And nation-building begins when we choose to work together.”

Magmula 1999, nagsilbing katuwang ng KCFI ang DepEd sa pagpapalaganap ng kalidad na educational materials at learning resources sa mga paaaralan. Nitong 2025 ay nagsanib-pwersa muli ang dalawa para sa inisyatibong DepEd TV Powered by Knowledge Channel, hatid ang curriculum-based video materials na mapapanood sa telebisyon at digital platforms para mas mapalawig ang pagtuto kahit sa labas ng mga silid-aralan.

Para sa ibang impormasyon tungkol sa KCFI, bisitahin ang www.knowledgechannel.org o sundan ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X, at @knowledgechannelofficial sa TikTok.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Knowledge Channel Foundation, pinarangalan ng DepEd para sa mahigit 25 taong ambag sa edukasyon