News Releases

English | Tagalog

"Love is Never Gone" nina Joshua at Ivana, numero uno sa Prime Video PH

May 11, 2026 AT 09:12 AM

Mapusok na eksena nina Joshua at Ivana, patok sa viewers

Mabilis na umani ng atensyon ang bagong romance-suspense series ng ABS-CBN na “Love is Never Gone,” na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Ivana Alawi, matapos nitong manguna sa most-watched shows sa Prime Video Philippines nang ipalabas ito noong Mayo 8 (Biyernes). 

Ibinida agad sa unang dalawang episode ang mapusok na halikan at mainit na romansa nina Teo (Joshua) at Yana (Ivana) sa gitna ng magagandang tanawin ng Morocco, pati na rin ang makapigil-hininga nilang action scenes.

Kasunod nito ang emosyonal na komprontasyon ng dalawa matapos matuklasan ni Teo ang panlilinlang ni Yana tungkol sa tunay nitong koneksyon sa isang sindikato na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong. 

Makalipas ang ilang taon, muling nagkita sina Teo at Yana pero bitbit ni Yana ang bagong pagkatao bilang si Gem Verona, ang asawa ng isang mayamang abogado na si Ace (Jameson Blake). Ipinakita rin ang buhay ni Teo matapos makalaya at makabalik ng Maynila sa tulong ng dati niyang jowang si Larejean (Jane Oineza). 

Mauuwi ang dating mainit na pagsasama nina Teo at Yana sa isang paghihiganti na susubok kung hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo at ibigay para sa pag-ibig sa likod ng pagtataksil at madilim na sikreto ng nakaraan. 

Huwag palampasin ang maiinit na tagpo sa “Love is Never Gone,” na eksklusibong napapanood sa 240 bansa at teritoryo sa Prime Video. May dalawang bagong episode na ipinapalabas tuwing Biyernes. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE