News Releases

English | Tagalog

“The Chambermaid’s Daughter,” nangunguna sa iWant, humakot ng 5M views sa Facebook

May 05, 2026 AT 03:32 PM

Nangunguna sa mga palabas sa iWant sa Pilipinas ang kauna-unahang vertical drama ng ABS-CBN Studios na “The Chambermaid’s Daughter,” na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera, hatid ang pamatay na kilig at good vibes.

Kinabaliwan sa kilig at inabangan din online ang vertical drama, kung saan ang unang limang episodes na inilabas sa ABS-CBN Facebook page ay umabot na sa pinagsamang mahigit-kumulang 5 milyong views at patuloy pang nadaragdagan, tampok ang Episode 4 bilang pinakapinapanood na may 3.7 milyong views matapos ang premiere nito noong Abril 30.

Ang “The Chambermaid’s Daughter” ang unang handog ng ABS-CBN Studios sa vertical drama format, na binubuo ng maiikling episodes na madaling panoorin at sundan, bilang bahagi ng lumalawak na lineup ng vertical dramas ng iWant.

Sinusundan ng serye ang kuwento ni Hannah Montano (Alexa), isang hotel room attendant na naging private Tagalog tutor ni Daniel Jeon (Gelo), isang Korean executive, na magdadala sa kanya sa mga pagbabagong magbibigay-kulay sa kanyang buhay at sa isang hindi inaasahang pag-iibigan.

Mapapanood ang lahat ng episodes ng “The Chamabermaid’s Daughter” sa iWant, kung saan available nang libre ang unang limang episodes sa iWant app, ABS-CBN Facebook, at iWant YouTube channel.

Ang episodes 6 hanggang 30 ay eksklusibong mapapanood sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

“The Chambermaid’s Daughter,” nangunguna sa iWant, humakot ng 5M views sa Facebook