News Releases

English | Tagalog

Alexa Ilacad at Xyriel Manabat, yayanigin ng photo leaks sa bagong iWant original na “Miss Behave” ngayong Hunyo

May 26, 2026 AT 12:16 PM

Kasama rin sina Reign Parani, Andi Abaya, at Rans Rifol

Palaban na bersyon nina Alexa Ilacad, Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, at Rans Rifol ang matutunghayan ngayong Hunyo sa iWant, the home of Filipino feels, tampok ang bago nitong original series na “Miss Behave,” na iikot sa usapin ng online privacy sa kabataan.

Sa pasilip sa bagong iWant original, sesentro ang storya nito sa science high school girls na handang hamakin ang kanilang mga sarili matapos mag-leak ang kanilang pribadong photos sa buong paaralan na nagmitsa sa kanilang suspensyon. Sa kabila nito, nagsanib-pwersa sila para maghiganti at masugpo ang nagpakalat ng kanilang mga eskandalosong larawan na nagpabalot sa kanila sa kahihiyan.

Mula sa creators ng iWant original na “Love at First Spike” at sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal, bibida rito dito sina JC Alcantara, Akira Morishita, Raven Rigor, Zach Castañeda, LA Santos, at Zach Guerrero.

Abangan ang premiere ng “Miss Behave” ngayong Hunyo 3 (Miyerkules) sa iWant. Eksklusibong mapapanood ang episodes nito sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa FacebookTikTokXInstagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Alexa Ilacad at Xyriel Manabat, yayanigin ng photo leaks sa bagong iWant original na “Miss Behave” ngayong Hunyo