News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN.com, hatid ang mas pinadaling access sa balita at showbiz updates, pinalalawak ang naaabot sa buong mundo

May 06, 2026 AT 11:45 AM

Mas pinalalawak pa ng ABS-CBN ang digital reach nito sa pamamagitan ng ABS-CBN.com, na nagsisilbing one-stop destination kung saan mas madaling ma-access ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo ang pinakabago at maiinit na balita at showbiz updates.

Ang ABS-CBN.com ay kabilang sa tatlong pinakabinibisitang news websites sa bansa, batay sa datos noong 2025 mula sa web traffic analytics firm na Similarweb, na naaabot ang mga mambabasa sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang ang Singapore, United States, Canada, Australia, China, United Kingdom, Japan, Russia, at Germany.

Mas pinadali ang paggamit ng site dahil sa mas malinis na itsura at mas maayos na pag-navigate, kaya mas mabilis mahanap ang mga kuwento sa News, Entertainment, Lifestyle, at Sports.

Hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs ang mga napapanahon at mahahalagang balita, habang makikita sa Entertainment section ang pinakabagong showbiz updates at Kapamilya content hatid ng ABS-CBN Studios. Tampok din ang mga kuwentong swak sa buhay-Pinoy sa Lifestyle at ang maiinit na laban at highlights sa Sports.

Sa ilalim ng Lifestyle, matatagpuan din ang Fun Fare section, isang espasyo para sa magaan at nakakaaliw na content tulad ng Word of the Day, horoscope, at sudoku, na nagbibigay ng pahinga mula sa mga headline.

Mas pinapalawak pa ng website ang mga puwedeng tuklasin dito sa pamamagitan ng mga feature tulad ng The Week in Focus at Entertainment Daily, bukod pa sa iba pang content sa More tab.

Patuloy pang magdadagdag ng bagong features ang ABS-CBN.com ngayong 2026, kabilang ang content sa iba’t ibang regional languages at mas interactive na karanasan para sa users.

Bisitahin ang ABS-CBN.com para sa pinakabagong balita at mga kuwentong swak sa bawat sandali ng iyong araw.