News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN execs, mamamahayag, Kapamilya stars, nagsanib pwersa sa Pinoy Media Congress 2026

May 06, 2026 AT 01:05 PM

ABS-CBN stars, journalists, and executives gathered at the Pinoy Media Congress 2026, where they shared industry insights, personal journeys, and practical advice with hundreds of communication students from across the country.

Gary V, Brent, Darren, Jarren, Jhong, at Sarina, naghatid ng saya

Nagtipon-tipon ang mga bituin, mamamahayag, at executive ng ABS-CBN para sa Pinoy Media Congress 2026 kung saan ibinahagi nila ang kanilang kaalaman sa industriya at personal na karanasan sa daan-daang estudyante ng komunikasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Inorganisa ng ABS-CBN, Philippine Association of Communication Educators, at Assumption College San Lorenzo Makati, naging daan ang kongreso upang matutunan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang pagbabago sa media upang maihanda sila sa kanilang karera sa industriya.

Binansagang pinakamalaking pagtitipon ng mga media experts sa bansa, para sa ika-21 taon ng kongreso, muling nagsama-sama ang ilan sa mga bigating pangalan sa industriya upang magbigay-aral at makipag-diskurso sa mga estudyante ng komunikasyon ukol sa research, radio broadcasting, news reporting, education, music, content creation, lifestyle, film restoration, international distribution, creative communications, careers in media, film directing, at production management.

Ilan sa mga bituin na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa mga estudyante ay si “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano, na ikinuwento kung paano siya nagumpisa sa industriya. Nakiisa rin si “It’s Showtime” host Jhong Hilario, na ibinahagi ang kanyang inspirasyon sa pagtatapos ng pag-aaral sa gitna ng pandemya habang binabalanse ang kanyang karera at buhay-pamilya. Sinamahan rin siya ng kanyang anak na si Sarina upang magbigay saya sa mga dumalo.

Ibinahagi rin ni “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” housemate Esnyr ang kanyang karanasan bilang isang content creator, habang ikinuwento naman ng batikang direktor na si Mae Cruz Alviar kung paano siya nagumpisa sa kanyang karera—mula sa advertising patungo sa pagiging direktor.

Kabilang sa mga nagbigay-kaalaman sa mga mag-aaral mula sa ABS-CBN ay sina Creative Communications head Robert Labayen, News head Francis Toral, ABS-CBN Music and Integrated Events head Roxy Liquigan, ABS-CBN Music Creatives, Content, and Operations head Jonathan Manalo, DNA Music label head Gab Tagadtad, former head of ABS-CBN Film Restoration Leo Katigbak, International Sales and Distribution head Pia Laurel, ABS-CBN Studios business unit head for non-narrative programs Marcus Joseph Vinuya, head of Content Research Dia Agoncillo, Talent Acquisition head Paulo Tatad, broadcast journalists Karmina Constantino, Alvin Elchico, at Robert Mano, Metro Magazine and Metro editor-in-chief Geolette Esguerra, Metro Beauty and Wellness editor Kate Paras-Santiago, Knowledge Channel Platforms and Partnerships head Danie Sedilla-Cruz, at Fifty5Blue managing director Jay Bautista.

Naghatid naman ng good vibes at excitement sina Kapamilya stars Brent Manalo, Darren Espanto, at Jarren Garcia. Dumalo rin sina MYX VJs Robbie Jaworski at Eya Almamaari na nagpalaro at nakipagkulitan sa mga mag-aaral.

Inilunsad noong 2005, ang Pinoy Media Congress ay nakatanggap ng mga parangal mula sa International Association of Business Communicators Philippines’ Philippine Quill Awards at Public Relations Society of the Philippines’ Anvil Awards.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter),Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.