Tampok ang kauna-unahang reality songwriting competition kasama ang Blooms, mapapanood din sa iWant YouTube channel
Ipinagdiriwang ng nation’s girl group na BINI ang kanilang ikalimang taon sa showbiz at patuloy na paglawak ng naaabot nila sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng “BINIVerse and Chorus,” kung saan bibigyang-buhay nila ang ilang awiting likha ng Blooms sa bagong 10-episode reality series na mapapanood nang libre sa iWant at iWant YouTube channel simula ngayong Huwebes at Biyernes (Mayo 21 at 22), 7pm (PHT).
Sa kauna-unahang reality songwriting competition na ito, bibigyan ng pagkakataon ang Blooms na makasulat ng kantang posibleng maging susunod na single ng BINI. Masisilayan din dito ang creative process ng grupo habang nakikinig, nagsusuri, at pumipili sila ng mga kanta sa buong kompetisyon.
Kasunod ito ng sunod-sunod na milestones ng BINI matapos ang matagumpay nilang performance sa Coachella, isa sa pinakamalaking music festivals sa Amerika, at bago ang kanilang ikalimang anibersaryo sa Hunyo 11 (Huwebes). Higit pa sa isang songwriting competition, nagsisilbi rin ang “BINIVerse and Chorus” bilang selebrasyon ng musika ng BINI at matibay na samahan nila ng Blooms sa paglipas ng mga taon.
Pakikinggan at pipili sina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena mula sa mahigit 300 demo entries ng Blooms na naglalaman lamang ng verse at chorus. Mula rito, pipili ang grupo ng Top 12 na awitin bago tuluyang mabawasan sa Top 8 songs na bubuksan para sa public voting.
Huwag palampasin ang back-to-back episodes ng “BINIVerse and Chorus” tuwing Huwebes at Biyernes simula bukas at sa Biyernes (Mayo 21 at 22), 7pm (PHT), na mapapanood nang libre sa iWant app at iWant YouTube channel.
I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.





