Mapupuno ng misteryo at katatakutan ang mga gabi ng manonood dahil sa sikat na Korean drama na “Queen Mantis” na nagsimulang umere noong Lunes (Mayo 4) sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at iWant.
Bida sa seryeng ito ang Korean stars na sina Jang Dong-yoon at Go Hyun-jung. Lubos na kinapitan ng manonood ang serye noong una itong ipinalabas dahil sa kapanapanabik nitong kwento at pinakitang galing sa pag-arte ng lead stars.
Iikot ang “Queen Mantis” sa kwento ni Jeong I-Shin (Go Hyun-jung), isang kilalang serial killer na tinaguriang “mantis,” na pumatay ng limang lalaki dalawang dekada na ang nakalipas. Pinuntirya niya ang mga lalaking nang-abuso sa kababaihan at mga bata, kaya nagkaroon siya ng kontrobersyal na reputasyon.
Ang kanyang anak na si Cha Su-Yeol (Jang Dong-yoon) na lumaking may galit sa kanya ay kalaunang naging isang pulis.
Sa pagsulpot nang isang kahinahinalang serial killer na gumaya paraan ng pagpatay ng “mantis,” mapipilitan si Cha Su-Yeol na humingi ng tulong sa kanyang ina upang maresolba ang kaso.
Alamin kung ano ang kahihinatnan ng reunion ng mag-ina at kung makatulong talaga si Jeong I-Shin o mas magdala ng kaguluhan sa kasong ito.
Huwag palampasin ang “Queen Mantis” simula ngayong Lunes, 9:30PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, iWant, at A2Z.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



