News Releases

English | Tagalog

"Ikembot Mo" ng Baby Dolls, umarangkada sa Spotify PH Viral Songs Chart

May 13, 2026 AT 09:26 AM

Bagong dance craze ng “It’s Showtime” girl group, may mahigit 1 million entries na sa TikTok

Patok ang bagong dance craze ng Baby Dolls matapos umarangkada ang kanilang latest single na “Ikembot Mo” sa ika-16 pwesto sa Spotify Philippines Viral Songs Chart.

Trending din ang dance challenge ng “Ikembot Mo” sa TikTok na may mahigit 1 million entries sa platform. Tuloy-tuloy rin ang paghataw nito sa Spotify na may 311,000 streams, habang nakapasok din ito sa ika-40 na pwesto sa Instagram Music, kung saan mahigit 16,000 reels na ang gumamit ng awitin. Dahil sa viral success ng awitin, umakyat ang grupo sa 122,000 monthly listeners sa Spotify.

Binubuo ang Baby Dolls nina Arianne Dela Cruz, Chole Florendo, Johaira Moris, Juby Sabino, Jelai Ahamil, Eriel Reyes, at Ina Ortega, na unang nakilala bilang contestants ng “Sexy Babe” at “Girl on Fire” sa “It’s Showtime.”

Kamakailan, pinaindak nila ang libo-libong fans sa Aurora Music Festival kung saan umani sila ng papuri sa kanilang high-energy at feel-good performance. Patuloy rin silang nakikisaya sa Zumba tours na bumisita sa Quezon City, Valenzuela, at Rizal.

Kabilang ang “Ikembot Mo” sa debut EP na “Zoom Baby Dolls,” na mayroong 364,000 all-time streams sa Spotify.

Makisaya sa “Ikembot Mo” dance challenge at pakinggan ang “Zoom Baby Dolls” EP sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE