Para sa nalalapit din nitong international series na ‘Nurse the Dead’
Pinangunahan ng iWant, the home of Filipino feels, nitong Mayo 12 (Martes, PH time) ang pagpapailaw ng ELJ Building sa ABS-CBN Compound pati ng San Francisco City Hall at Port of San Diego sa California para sa selebrasyon ng International Nurses Day at sa nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unahang Filipino Hollywood-filmed series nito na “Nurse the Dead.”
Ang naturang special display, na may katagang “NURSE” sa ELJ Building, ay pagpupugay sa sakripisyo ng Pinoy nurses sa iba’t ibang dako ng mundo at bilang paghahanda sa pag-ere ng bago nitong serye na bida ang talento ng mga Pinoy sa global scene.
Ilan sa mga dumalo ay ang creator nitong si Mark Labella, pati ang Kapamilya star na si Anthony Jennings na kabilang sa cast ng serye.
Pagbahagi ni Mark, ginawa niya ang konsepto ng serye bilang pagpupugay sa dedikasyon ng Pinoy nurses abroad, na base rin sa mga pinagdaanan ng kanyang ina.
Aniya, “We created ‘Nurse the Dead’ as a workplace comedy grounded in the emotional reality of caregiving. Nurses carry enormous emotional weight every day, often while still finding ways to bring humor, compassion, and humanity into impossible situations. Seeing these landmarks illuminated in their honor is incredibly meaningful to all of us.”
Ikinagalak naman ni Anthony na mapabilang sa international serye. Aniya, “I’m really blessed, grateful, and honored to be working with such wonderful people behind ‘Nurse the Dead.’ With this wonderful show, sobrang na-appreciate ko sila kasi noong first day ko, medyo kabado ako. Pero they had my back. Naitaguyod ko iyon… It was such a wonderful experience for me kasi marami akong natutunan and nag-grow ako rito sa show.”
Dagdag pa ni Anthony, sumisimbolo rin ito sa sakripisyo ng bawat OFW at ibinida rin ng Hollywood-filmed serye ang gawang may puso at diwang Pilipino sa global stage.
Sesentro ang supernatural comedy serye sa karakter ni Noa Reyes, isang Pinay nurse na may kakaibang abilidad na makasalamuha ang mga patay na umaaligid sa kanilang ospital. Bida rito ang Fil-Am actress na si Jelynn Sophia Malone, kasama ang all-star Pinoy cast na sina Anthony Jennings, Princess Punzalan, Ruby Rodriguez, Gigette Reyes, at Tootsie Guevara.
Abangan ngayong Hunyo 12 ang premiere ng “Nurse the Dead,” na libreng ipalalabas ang pilot episode nito sa iWant. Available naman ang sumunod nitong episodes via subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, and YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.





