News Releases

English | Tagalog

Yen Santos balik-aktingan, gigil sa asawang taksil sa vertical drama na “Twist of Fate”

May 27, 2026 AT 07:46 AM

Mapapanood na ngayong Mayo 30 sa iWant

Balik-aktingan ang aktres na si Yen Santos para sa nagbabagang vertical drama ng iWant, the home of Filipino feels, na “Twist of Fate” na mapapanood ngayong Mayo 30 (Sabado).

Sa direksyon ni Andoy Ranay, makakasama ni Yen sina Rafael Rosell, Tony Labrusca, at Angelica Lao na mas paiinitin ang inyong panonood sa kanilang alindog.

https://www.facebook.com/reel/1361341262475542

Maliban sa maiinit na love scenes, nagbabagang komprontasyon, at pasabog na plot twists, sesentro ang serye kay Ginny (Yen), isang mapagmahal na asawa na unti-unting nasasagad dahil sa pagtataksil ng mister niyang si Sam (Rafael) sa kalaguyo nitong si Clarissa (Angelica). Sa hangaring makaganti, magiging katuwang ni Ginny ang dating kasintahang si Donny (Tony), na asawa rin ni Clarissa. Ngunit sa gitna ng kanilang mga plano, muling mabubuhay ang dati nilang pag-iibigan.

Ang “Twist of Fate” ay ang panibagong vertical drama ng iWant, kasunod ng trending nitong short romance serye nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera na “The Chambermaid’s Daughter,” na humakot naman ng milyon-milyong views sa ABS-CBN platforms at naging number one sa listahan ng most-watched shows ng iWant.

Abangan ang mga plot twist na magpapakabog ng inyong damdamin sa “Twist of Fate” ngayong Mayo 30 sa iWant. Libreng mapapanood ang first five episodes nito sa iWant app, ABS-CBN Facebook page, at sa iWant YouTube channel.

Eksklusibong mapapanood sa iWant ang episodes 6 to 30 sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE