
KimPau at BINI, wagi sa 7th VP Choice Awards
Nag-uwi ng iba’t ibang parangal ang ABS-CBN para sa mga huwarang programa at personalidad nito sa 7th Village Pipol Choice Awards (VPCA) na ginanap kamakailan.
Tinanghal na Movie of the Year ang romantic-comedy hit ng Star Cinema na “My Love Will Make You Disappear.” Kinilala rin ang mga bida nitong sina Kim Chiu at Paulo Avelino bilang Movie Actress of the Year at Movie Actor of the Year. Panalo rin ang KimPau bilang Pipol Sexiest of the Year.
Ginawaran naman ang “TV Patrol” bilang News Program of the Year para sa tapat at mapagkakatiwalaang pagbabalita.
Nagwagi rin si Alexa Ilacad bilang TV Host of the Year para sa “Pinoy Big Brother.” Kinilala rin ang ilang dating housemates ng PBB—panalo si Fyang Smith bilang Breakthrough Star of the Year, si Esnyr naman ay pinarangalan bilang YouTuber of the Year, habang si Bianca de Vera ay ginawaran bilang Promising Female Star of the Year. Ang tambalan nina Bianca at Dustin Yu na “DustBia” ay itinanghal na Fandom of the Year, habang si Rave Victoria ay nagwagi bilang Male Face of the Year.
Matapos ang kanilang historic debut sa Coachella, kinilala rin ang nation’s girl group na BINI bilang P-Pop Group of the Year, habang ang miyembro nitong si Maloi Ricalde ay panalo rin bilang Female TikTok Face of the Year.
Samantala, itinanghal ang WRIVE bilang Rising P-pop Group, habang ang hit song ni Rain Celmar na “Pahuway” ay nagwagi ng OPM Song of the Year. Si Kolette Madello naman ay ginawaran bilang Solo Performer of the Year para sa “Call Me Kolette.” Panalo rin sina Mika Salamanca at Brent Manalo ng Music Video of the Year para sa “What If Tayo?”
Kinilala rin si Brent bilang Fashion Influencer Face of the Year, habang si Ralph De Leon ay pinarangalan bilang New Male TV Personality.
Samantala, wagi rin ng Pipol Face of the Year ang ilang Kapamilya stars, kabilang sina Kai Montinola (Third Place – Female Teen), Rain (Second Place – Female Teen), Anji Salvacion (Second Place – Female Adult), at Raikko Mateo (Third Place – Male Teen).
Ang VPCA ng Village Pipol ay nagbibigay parangal sa mga natatanging personalidad, programa, at pelikula sa bansa.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter),Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases








