News Releases

English | Tagalog

Maki, Kyla, at BINI magpapasiklab ng galing sa “ASAP XP” ngayong Linggo

May 21, 2026 AT 12:23 PM

Global pop groups, hahataw sa entablado ngayong Linggo sa “ASAP XP”

 

Tuloy-tuloy na dekalibreng performances ang mapapanood sa “ASAP XP” sa pangunguna nina Maki at Kyla at global pop groups na BINI, BGYO, at DNA ngayong Linggo (Mayo 24), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at iWant.

 

Humanda ng kiligin dahil hindi ka mangungulila sa dalang concert ni Maki para sa Zushis kasama sina Jarren Garcia at KD Estrada. Samantala, makikanta na sa performance ni Kyla ng kanyang trending song na “Hanggang Ngayon.”  

 

‘Wag palampasin ang pagpapakitang-gilas ng husay at talento ng global pop groups na BINI, BGYO, at DNA, kasama sina Darren at Maymay Entrata.

 

Kapanapanabik din ang hatid na pasabog na performance nina Gary Valenciano, BGYO, Kyla, Carmelle Collado, at Elha Nympha.

 

Broadway feels naman ang masasaksihan sa bonggang kantahan sa pangunguna ni Martin Nievera kasama sina Erik Santos, Jona, Jason Dy, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jed Madela, Sofronio Vasquez, at Klarisse De Guzman. 

 

Maki-indak sa dance break performance nina Seth Fedalin, JM Ibarra, Jarren, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, at BGYO kasama sina Teacher Georcelle, G-Force, at G-Force students. 

 

Isang kaabang-abang na finale performance ang matutunghayan mula kina Martin, Gary, Regine Velasquez-Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik, Angeline Quinto, Darren, Kyle Echarri, Maymay, Alexa Ilacad, Kyla, Klarisse, Jona, Jason, JM, Marielle, Kai Montinola, Elha, Esang De Torres, Carmelle, AC Bonifacio, Jarren, at KD. 

 

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Darren, at Alexa.

 

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Maki, Kyla, at BINI magpapasiklab ng galing sa “ASAP XP” ngayong Linggo