Mapapanood sa 250 sinehan sa bansa
Patok agad sa moviegoers ang kwentong pag-ibig nina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa pelikulang “Tayo Sa Wakas” na umani ng P12 million sa takilya sa unang araw nito, Mayo 27, ang highest opening day gross para sa local films ngayong 2026.
Ito ang ika-33 anniversary offering ng Star Cinema na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, na nagbahagi na nais ng pelikula na pasayahin ang mga manonood gamit ang bagong kwento na magpapa-ibig sa kanila.
Kasunod ng malakas na theatrical debut ng pelikula, mapapanood na ito ngayon sa 250 sinehan sa bansa. Magkakaroon din ito ng global screenings simula Hunyo.
Umiikot ang kwento nito sa ‘lovers turned rivals’ na sina Cisco (Donny) at Cheska (Belle), na haharapin kung paano naaapektuhan ng ambisyon ang kanilang relasyon. Sasailalim sila sa isang breakup trip para pag-usapan kung panahon na ba talagang bumitaw o pwede pang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Mapapanood din ang “Tayo Sa Wakas (Us In The End)” sa Australia at New Zealand simula Hunyo 11, sa US, Canada, at Guam simula Hunyo 12, at sa Hong Kong at Macau simula Hunyo 21. Ipapalabas din ito sa Malaysia ngayong Hunyo, sa Taiwan simula Agosto 7, at sa Middle East sa nalalapit na panahon.
Huwag palampasin ang kwentong pag-ibig nina Cheska at Cisco sa “Tayo Sa Wakas.” Bisitahin ang tayosawakas.com at sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pelikula.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.




