News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, pinarangalan ng University of Makati Tagak TV Awards sa husay sa paggawa ng mga programa

May 28, 2026 AT 12:38 PM

ABS-CBN Corporation was named Excellent and Innovative Media Company at the 1st UMak Tagak TV Awards of the University of Makati, with “It’s Showtime” and Vice Ganda also earning major wins.

“It’s Showtime” at Vice, wagi!

Patuloy na kinikilala ng akademya ang husay ng ABS-CBN matapos nitong tanggapin ang Excellent and Innovative Media Company na pagkilala, kabilang ang iba pang parangal para sa “It’s Showtime” at kay Vice Ganda, sa kauna-unahang UMak Tagak TV Awards, na iginagawad ng mga estudyante ng University of Makati.

Muling tumanggap ng pagkilala ang Kapamilya network para sa huwarang kontribusyon at inobasyon nito sa industriya ng telebisyon at digital midya, at mga content nitong patuloy na nagbibigay ng impormasyon at inspirasyon sa mga manonood.

Wagi rin ang “It’s Showtime” ng Excellence and Innovation in Interactive Entertainment na pagkilala, habang ang host nitong si Unkabogable Queen Vice Ganda ay pinangalanang Best Host para sa kanyang husay at kahanga-hangang koneksyon sa mga manonood.

Ang UMak Tagak TV Awards, na inorganisa ng mga grade 11 Humanities and Social Sciences (HUMSS) at STEM na estudyante ng University of Makati, sa pangunguna ni assistant professor Virgilio A. Soriano III, ay binibigyang parangal ang mga huwarang programa at personalidad sa bansa.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.