Bibida sa “ASAP XP” ang talentong Pinoy sa pangunguna ng Kapamilya love teams na sina JM Ibarra at Fyang Smith, at Francine Diaz at Seth Fedalin, kasama ang musical pair na sina Jarren Garcia at Kai Montinola, at ng new gen divas na sina Alexa Ilacad, Kai, Esang De Torres, at Elha Nympha kasama si Regine Velasquez-Alcasid ngayong Linggo (Mayo 31), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at iWant.
Damhin ang nag-uumapaw na kilig mula sa espesyal na duet nina JM at Fyang at Francine at Seth, kasama ang musical pair na sina Jarren at Kai.
Magpapakitang-gilas ng kanilang inner diva energy ang new gen divas na sina Alexa, Kai, Esang, and Elha kasama ang Asia’s Songbird na si Regine.
Mas lalo pang sasabog ang kasiyahan sa pangmalakasang opening number nina Martin Nieverra, Gary Valenciano, Regine, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren, Kyle Echarri, Alexa, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, BGYO, DNA, Sofronio Vasquez, Jason Dy, Jane De Leon, Kai, JM, Fyang, at Klarisse De Guzman, kasama ang Legit Status, MNVRS Ignite, at G-Force.
Kamangha-mangha rin ang collaboration number ng Kapamilya champions na sina Marko Rudio, Carmelle Collado, JM Dela Cerna, at Marielle Montellano, pati na ang todo-bigay sa sayawan nina AC, Gela, Jeremy, Jameson, at G-Force.
Humanda ng humiyaw at maki-kanta kasama ang Mayonnaise sa pag-perform nila ng kanilang sikat na mga kanta.
Tuloy-tuloy na kasiyahan ang dapat tutukan sa finale number ng lahat ng pamilya ng “ASAP XP” sa pagkanta nila ng bagong theme song ng programa.
Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom


