News Releases

English | Tagalog

BINI at Bamboo, bubuksan ang “ASAP XP” ngayong Linggo

May 15, 2026 AT 08:21 AM

Theme song ng “ASAP XP,” mapapakinggan na ngayong Linggo sa bago nitong timeslot

 

Sunod-sunod na makapigil-hiningang performance ang mapapanood sa engrandeng pagbubukas ng “ASAP XP” sa pangunguna ng global pop group na BINI at rock legend na si Bamboo, ngayong Linggo (Mayo 17) sa panibago nitong timeslot na 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at iWant.

 

Isang engrandeng homecoming ang handog ng “ASAP” sa BINI sa kanilang kauna-unahang performance matapos ang kanilang Coachella stint. Makakasama ng BINI sa pangmalakasang opening number sina Martin Nieverra, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Robi Domingo, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, Kai Montinola, Carmelle Collado, AC Bonifacio, Sofronio Vasquez, Jona, Klarisse De Guzman, Jason Dy, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jeremy Glinoga, Khimo Gumatay, pati na ang MNRVS Ignite, Legit Status, at G-Force. Abangan din sa pasabog na opening number ang bagong theme song ng “ASAP XP.”

 

Malupit na energy ang mararamdaman ng manonood sa dalang libreng mini-concert ni Bamboo kasama ang SPI.

 

Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa pasabog na biritan ng new gen divas na sina Alexa, Kai, Esang de Torres, Carmelle, at Elha Nympha, kasama ang power diva na si Angeline. 

 

Samahan ang ASAP OG na si Zsa Zsa na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa isang pangmalakasang birthday number kasama sina Alexa, Kai, Esang, Elha, at Carmelle.

 

Damhin naman ang kilig at kasiyahan sa party na dala ng Kamilya love teams na sina Kai at Kyle, JM Ibarra at Fyang Smith, Alexa at Gelo Rivera, at Francine Diaz at Seth Fedalin.

 

Walang bibitaw dahil punong-puno rin ng kasiyahan ang kantahan nina Regine, Marko Rudio, JM Yosures, Khimo, at Reiven Umali. Kasunod nito ang nakakaantig na Mother’s Day special nina Regine, Zsa Zsa, Angeline, at Kyla. 

 

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Martin, Robi, Darren, Kyle at Alexa.

 

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom