News Releases

English | Tagalog

Jarren, steady ang pag-ibig sa bagong single na "GOTCHU"

May 29, 2026 AT 12:20 PM

Feel-good anthem para sa mga umiibig

Magpapakilig ang dating “Pinoy Big Brother: Gen 11” housemate na si Jarren Garcia sa kanyang bagong feel-good anthem na “GOTCHU.”

Isinulat ni Trisha Denise at iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos ang pop-R&B song na umiikot sa pagdamay sa taong iniibig ano man ang hamon na dumating sa buhay.

Noong nakaraang taon, inilunsad ni Jarren ang self-titled debut extended play (EP) na umami ng mahigit 3.4 million stream sa Spotify. Tampok sa EP ang mga awitin na “Gimme, Gimme, Gimme” at “Make It Make Sense.”

Nagpasiklab din siya sa naganap na sold-out at jampacked “That Boy, Jarren Album Launch and Fan Meet” sa SM North Edsa Skydome. Kasalukuyang napapanood si Jarren bilang isa sa new gen VJs ng MYX.

Napapakinggan ang “GOTCHU” ni Jarren sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE