News Releases

English | Tagalog

Coco, pasabog ang aksyon sa "Coco Martin's Sigabo," mapapanood simula Hunyo 22

May 29, 2026 AT 10:14 PM

“Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon” kasama ang Prime Actress na si Julia Montes

 

Magbabalik-aksyon na si Coco Martin!

 

Muling mapapanood gabi-gabi sa telebisyon si Coco, “Ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon,” kasama ang Prime Actress na si Julia Montes sa “Coco Martin’s Sigabo” simula Hunyo 22 (Lunes).

 

Tatak-Coco Martin na walang humpay na aksyon ang handog ng aktor sa mga manonood sa “Sigabo.” Ang inaabangang ABS-CBN serye ay mula sa orihinal na konsepto ni Coco, pagkatapos ng makasaysayang pag-ere ng mga programang minahal ng sambayanang Pilipino na pinagbidahan niya na “FPJ’s Ang Probinsyano” at “FPJ’s Batang Quiapo.”

 

Siksik sa aksyon, kilig, at katatawanan na puno ng mahahalagang aral ang masusubaybayan ng mga manonood sa “Sigabo” gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

 

Bagong putahe naman ang handog ni Coco at ng ABS-CBN na tiyak na tatatak sa puso ng mga Pilipino katulad ng matagumpay na pag-ere ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na naging longest-running action-drama series sa Pilipinas, at ng “FPJ’s Batang Quiapo” na naging pinakapinanonood na primetime series ng tatlong taon. 

 

Tutukan ang mga maaksyong tagpo sa “Coco Martin’s Sigabo” simula Hunyo 22.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE