News Releases

English | Tagalog

"Meet, Greet & Bye" ng Star Cinema, wagi ng major awards sa Cine Expo 2026

May 15, 2026 AT 04:40 PM

Special ticket prices ng “Tayo Sa Wakas,” inanunsyo ng Star Cinema sa pagdiriwang ng ika-33 taon nito

Naiuwi ng hit family drama film ng Star Cinema na “Meet, Greet & Bye” ang Box Office Ensemble at Top Grosser awards mula sa Cine Expo 2026 na ginanap noong Mayo 12.

Sa pangunguna ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), kinilala ng Cine Expo 2026 sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, Juan Karlos at Maricel Soriano para sa kanilang husay at tagumpay sa takilya ng pelikula na mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana. Dumalo si Belle sa nasabing event at tinanggap ang pagkilala para sa cast at production team.

Dito rin inanunsyo nina Belle at Donny Pangilinan ang sorpresang special ticket prices para sa upcoming film nila na “Tayo Sa Wakas,” na pinangungunahan din ni Direk Cathy, bilang pagdiriwang ng ika-33 anibersayo ng Star Cinema. 

Magkakaroon ng discounted ticket rates sa ilang SM Cinemas, Ayala Malls Cinemas, Vista Cinemas, Gateway Cineplex 18, Robinson Movieworld, Megaworld Cinemas, Shangri-la Plaza, Fisher Mall, NCCC Mall, at Sta. Lucia Mall branches sa pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan sa Mayo 27 (Miyerkules). 

Mabibili ang tickets sa SM Cinemas sa halagang P285 (Metro Manila) at P240 (provinces), P275 (Metro Manila) at P250 (provinces) sa Ayalla Malls, P290 (Metro Manila) at P285 (other Vista Malls) sa Vista Cinemas, P290 (Metro Manila) at P260 (provinces) sa Megaworld Cinemas, P290 sa Gateway Cineplex 18, P290 sa Shangri-la Plaza, P280 (Quezon Ave) at P260 (Malabon) sa Fisher Malls, P200 sa NCCC Malls, P210 sa Sta. Lucia Mall, at P200 sa Sta. Lucia Mall of Davao.

Discounted din ang tickets sa Robinson’s Movieworld: P250 sa Gapan, La Union, Dumaguete, Tacloban, North Tacloban, Iligan, Pagadian, Valencia, P280 sa Galleria Ortigas, Manila, Las Piñas, Galleria South, Antipolo, Malolos, Pangasinan, P275 sa Metro East, P180 sa General Santos, P230 sa Imus, Dasmariñas, Gen Trias, Sta. Rosa, Lipa, Naga, Palawan, Starmills, Ilocos, Tuguegarao, Santiago, Galleria Cebu, Jaro, Iloilo, Pavia, Antique, Roxas, Ormoc, Butuan, P300 sa Robinson Magnolia, at P330 sa Nustar Premier Cinemas.

Mapapanood ang “Tayo Sa Wakas” eksklusibo sa mga sinehan sa bansa simula Mayo 27 at  mapapanood din sa mga sinehan sa iba’t ibang bansa simula Hunyo. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE