News Releases

English | Tagalog

Belle, Billy, at Maris, magpapasaya sa “ASAP” ngayong Linggo

May 02, 2026 AT 02:54 PM

Bibida sa “ASAP” ngayong Linggo (Mayo 3) ang talentong Pinoy sa pangunguna nina Belle Mariano, Billy Crawford, at Maris Racal.

Damhin ang selebrasyon ngayong weekend mula sa opening number nina Belle Mariano,  Billy Crawford, Erik Santos, Yeng Constantino, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri Alexa Ilacad, Jeremy Glinoga, Jason Dy, Akira Morishita, Jarlo Base, JM Ibarra, Fyang Smith, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jona, Elha Nympha, Esang De Torres, Jameson Blake, Gelo Rivera, Nate Porcalla, Kai Montinola, at Jane De Leon, pati na ang “PBB Celebrity Collab Season 2” housemates na sina Carmelle Collado,Rave Victoria, Iñigo Jose, Fred Moser, Reich Alim, at Eliza Borromeo, kasama ang G-Force at MNVRS Ignite.

Mas lalo pang paiigtingin ang kasiyahan sa pag-awit nina Maris Racal at Billy. Kasunod nito ang paghataw nina Kyle, Jameson, Jeremy, JM, Fyang, Billy, Jay Kent, AC, Gela, kasama ang Femme Manila at G-Force. 

May dalang nag-uumapaw na kilig naman ang duet nina Donny Pangilinan at Belle.

Abangan din ang pangmalakasan na kantahan mula kina Erik, Yeng, Darren, Sofronio Vasquez, Elha, Carmelle, Jason, at Jona. Kasunod ang bonggang performance mula sa trending na Gen Z band na Hey June, kasama sina KD Estrada, Jarren Garcia, at Kobie Brown.

Kamangha-mangha rin ang collaboration numbers nina Alexa, Kai, Elha, Esang, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Christian Tibayan, Arvery Lagoring, JM Yosures, at Khimo Gumatay. 

Ibibida naman nina Belle, AC, at G-Force ang girl power sa kanilang pasabog na number.

Fans, walang bibitaw dahil pasabog din ang P-Pop showcases ng DNA at BGYO.

Tuloy-tuloy na kasiyahan ang dapat tutukan sa champions finale nina Erik, Yeng, Darren, Kyle, Alexa, Reiven Umali, Khimo, Jona, Carmelle, Kai, Elha, Esang, Jason, at Marko Rudio.

Magsisilbi bilang hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Darren, at Alexa.

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom