Tumulak patungong Quebec para sa shooting…
Muling magsasama sa pelikula ang royal box-office couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa bagong family drama ng Star Cinema na “Remember” at tumulak na papuntang Quebec para simulan ang shooting.
Matapos ang tatlong taon, babalik na sa big screen ang isa sa mga minamahal na couple na bansa at makakasama rin nila rito si Mae Cruz Alviar, na nagdirek ng kanilang huling box-office hit na “Rewind,” isa sa highest grossing films of all time ng bansa. Ang nasabing pelikula ay isang collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures, at Regal Entertainment.
Bago umalis ng bansa, ibinahagi ni Dingdong ang kanyang kasabikan na muling makatrabaho ang parehas na team sa likod ng “Rewind.”
“Ready na kami umalis papuntang Quebec. Sisimulan na namin ang isang espesyal na pelikula. After three years nung huli kaming nagsama at nandun na si Direk Mae, inaantay na kami at uumpisahan na namin ang pelikulang ‘Remember.’ It feels good to work with the same team behind ‘Rewind,’ plus more. Nakakatuwa na nare-reminisce namin lahat ng magagandang nangyari. We’re just so excited to work on this project,” sey ni Dingdong.
Pakiramdam ni Marian na ito ang timing para sa muling pagsasama nila ni Dingdong sa isang pelikula.
“Actually kanina nag-uusap kami on the way here, parang sabi nga namin ilang years na ba? Three years na pala. Siguro ito na yung tamang panahon ulit gawin ito. At the same time, yung kuwento siguradong ma-i-in love sila sa ‘Remember,” saad ni Marian.”
Matapos ang tagumpay ng “Rewind,” muling magsasama sina Dingdong at Marian sa “Remember,” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa buong mundo ngayong 2026.
Para sa iba pang updates, i-follow ang Star Cinema sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
I-follow din ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


