Makulay na mundo ng “KOLORCOASTER,” mas pinalawak sa bagong music video tampok si SB19 Justin
Mas lalong pinalawak ni Maki ang makulay na mundo ng “KOLORCOASTER” matapos ilunsad ang pink-themed niyang awitin na “habangbuhay pansamantala” at music video nito.
“It’s very contrasting na ipagsama but it all makes sense kasi it reflects yung nafi-feel ko na forever ba akong magiging temporary na tao for other people,” pahayag ni Maki tungkol sa titulo ng awitin.
Inalay ng “Dilaw” hitmaker ang awitin para sa mga taong tinatrato bilang backburner o second option sa isang relasyon habang patuloy na umaasang magtatagal ang pag-ibig. Isinulat at co-produced ni Maki ang kanta kasama sina Jacob Clemente, Tati de Mesa, at Jovel Rivera.
Ibinahagi rin ni Maki ang filming experience niya kasama ang miyembro ng SB19 na si Justin para sa music video at pinuri ang creativity at vision ng P-pop artist.
“Justin is a very intelligent creative person. Sobrang gets namin yung isa’t isa kaya no’ng sinabi ko yung ideas ko sa kanya, game agad siya. Super gaan niyang katrabaho,” kwento niya.
Samantala, patuloy na ibinabandera ni Maki ang OPM matapos umani ng mahigit 1 billion all-time streams sa Spotify dahil sa tagumpay ng “KOLORCOASTER” album. Dadalhin naman niya ang makulay na mundo nito sa Southeast Asian tour sa The Theatre at Mediacorp sa Singapore sa Hunyo 13 at sa Bengkel Space sa Jakarta, Indonesia sa Hunyo 14. Mabibili ang tickets sa makikolorcoastertour.myx.global.
“We’ll do our best to showcase Filipino talent and OPM outside of the Philippines. Para sa akin, mas maganda na sinusuportahan natin yung concerts ng local artists, kilala man sila o hindi, kaya sana let’s explore and try to invest kasi everyone is doing their best,” saad niya.
Bago simulan ang concert tour, nagpasaya si Maki sa kanyang Zushis sa “Pink Fest” sa TriNoma Activity Center noong Mayo 29. Nakatakda rin siyang pangunahan ang “Pink Room” na gaganapin sa Solaire North sa Hunyo 5.
Damhin ang mensahe ng “habangbuhay pansamantala” na napapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms at samahan si Maki sa “KOLORCOASTER” Southeast Asian tour. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at YouTube.
Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.






