News Releases

English | Tagalog

TNVS drivers nanalo ng P1 million sa "“Everybody Sing” season 4

June 01, 2026 AT 01:39 PM

Netizens, puring-puri ang game show sa pagbibigay saya nitong tuwing weekend…

 

Isang grupo ng TNVS drivers ang mapalad na naiuwi ang P1 million jackpot prize sa “Everybody Sing” nitong Linggo (Mayo 31) matapos mahulaan ang 10 kanta sa jackpot round. 

 

Nasungkit ng Songbayanang TNVS drivers ang jackpot prize nang masabi ng tama ng driver na si Joel ang huling song title na “Loveteam.”  Hindi nga napigilang maiyak ng 50 drivers sa tuwa matapos makuha ang panalo na bunga ng kanilang teamwork at determination maiuwi ang jackpot prize. 

 

Ipinahayag naman ni Vice Ganda ang kasiyahan niyang makita manalo ang nasabing drivers lalo pa at alam niyang mahalaga ang panalong ito sa kanila.

 

Bukod naman sa jackpot prize, nanalo rin ang Songbayanan ng dagdag na P20,000 mula sa “Singko Blanko” kung saan tinulungan sila ng “Pinoy Big Brother” Celebrity Collab ex-housemate na si Ralph de Leon. Nakisaya at nakikanta rin noong weekend ang hit singer na si Maki.

 

Samantala, bumuhos din ang magagandang papuri ng netizens sa “Everybody Sing.” Ayon nga sa kanila, nakakatanggal ng pagod at stress manood ng programa lalo pa at masaya makipaghulaan kasama ang songbayanan. Bukod dito, iba rin ang sayang kanilang nararamdaman makita manalo ang kanilang kapwa Pilipino. 

 

Huwag palampasin ang bagong episodes ng “Everybody Sing” tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

TNVS drivers nanalo ng P1 million sa "“Everybody Sing” season 4