News Releases

English | Tagalog

Mas palaban na Alexa Ilacad, matutunghayan sa iWant original na "Miss Behave"

June 02, 2026 AT 11:54 PM

 

Mas palaban na Alexa Ilacad ang mapapanood sa bagong original series na hatid ng iWant, the home of Filipino stories, na “Miss Behave” na mapapanood simula Hunyo 3 (Miyerkules).

Bago ang inaabangang premiere, ginanap kamakailan ang Blue Carpet Premiere nito bilang paunang-silip sa inaabangang iWant original.

Gagampanan ni Alexa ang karakter ni Marla Briones, isang top-achiever student na masisira ang kanyang iniingatang reputasyon matapos kumalat ang kanyang mga pribadong larawan sa campus. Bibida rin kasama ni Alexa sina Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, at Rans Rifol na maiipit din sa iskandalong babalot sa kanila sa kahihiyan. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, magsasanib-pwersa sila para maghiganti at puksain ang nagpakalat ng scandal.

Higit naman sa istorya ng paghihiganti ang tema ng serye kundi sumasalamin din sa mga pinagdaraanan ng mga kababaihan sa totoong buhay.

“We made it with so much heart and pure intentions. Inaalay namin ito sa lahat ng kabataan at kababaihan na dumanas sa pinagdaanan ng mga karakter namin. This is for the victims and survivors of such incidents,” ika ni Alexa.

Dagdag naman ng direktor nitong si Ivan Andrew Payawal, “Dapat mapanood ito ng maraming tao kasi bukod sa tema ng aming palabas, it’s very relevant now. The issues that we are tackling are happening in real-life. Our show is a safe zone for everybody.” 

Bibida rin dito sina JC Alcantara, Akira Morishita, Raven Rigor, Zach Castañeda, LA Santos, at Zach Guerrero.

Abangan ang premiere ng “Miss Behave,” na mapapanood ang unang episode nang libre ngayong Hunyo 3 sa iWant. Eksklusibong mapapanood ang bagong episodes nito tuwing Miyerkules sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa FacebookTikTokXInstagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE