Ito na nga kaya ang katapusan niya?
Tuliro at tila may pagsisisi ang Bela Padilla na napapanood ngayon sa “Blood vs Duty” pagkatapos humarap ang karakter niya sa matinding pagsubok sa pambomba ng isang bus, na magdadala sa kanya sa pakikipagtuos sa kanyang ama at posibleng kamatayan.
Sa inilabas na teaser ng JRB Creative Production noong Biyernes (Hunyo 26), desperadong haharapin ni Agent Lara Angeles (Bela) si Datu Rahman (Jamie Fabregas) upang malaman ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga tunay na magulang.
Ipinakita rin ang pakikipagharap niya sa umampon sa kanya na si Gen. Manuel Carillo (Bodjie Pascua). Papasok si Felix (Baron Geisler) na tila magdadala ng krimen na maglalagay sa alanganin sa buhay ng mga nasa eksena.
Samantala, isa rin sa tinamaan ng bus explosion si Jalil (Gerald Anderson), na bahagi ng Task Force Alpha kasama si Marcus (Richard Gutierrez) na dapat sana ay magliligtas sa mga hostage na kinabibilangan ng pamilya ng Japanese investor.
Ngayong naging matagumpay si General Carillo sa paghahasik ng lagim sa bansa, mapigilan pa kaya siya ng task force bago mahuli ang lahat?
Alamin sa “Blood vs Duty,” Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8:45pm. Ipinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para mapanood ang “”Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.




